Hindi Ko Inakala

Synopsis

Sabi nila, kapag nagmahal ka raw ng dalawa, piliin mo iyong pangalawa. Hindi mo naman siya mamahalin kung sapat ang nararamdaman mo sa nauna. Ako? Ang tanga ko lang dahil naniwala ako rito.

Pinakawalan ko ang lalaki na nagmamahal sa akin para sa kanya… Para sa lalaking hindi man lang magdadalawang-isip na saktan ako. Sa lalaki na wala man lang nararamdaman ni katiting na pagmamahal sa akin na iniwan ang lahat para sa kanya. Sa lalaki na nagturo sa akin kung paano manloko, kung paano magsinungaling… Sa lalaki na kahit na anong pananakit ang gawin sa ‘kin ay minahal ko pa rin. Hindi ko inakala.

Pero hindi ko makakalimutan lahat ng itinuro niya sa akin. Na kahit ano man ang nararamdaman ko, sisiguraduhin ko na hindi niya malalaman. Dahil sawang-sawa na akong masaktan at umiyak. Hindi na mauulit pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *